08 December 2009

Alimuom 2

Simula nang araw na iyon, madalas na siyang nagtetext sa akin. Nagpapadala ng mga sweet nothings na quotes at mga mensahe answerable only by a "smiley". Pakiramdam ko bf ko siya... lalu na nung araw na sinimulan niya ang pagtawag sa akin na bheb (ang una kong suggestion "baby" sabi niya tawagan daw nila yun ng bf niya... ouch!). Sa puntong ito marahil, nais na ninyo akong batukan. Actually, ako din. Alam ko, wala namang magandang patutunguhan ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Chris sa lalong madaling panahon. Kung kailan man mag-aactualize yung mga pinag-usapan namin nung Jan. 31 sa kanila, walang makapagsasabi kahit pa siya.

Pinalagay ko ang sarili ko bilang isang "kabit" na ni sa panaginip ko ay hindi ko pinangarap (medyo ma-pride kasi akong tao). Pero hindi ko alam kung anong uri ng hanging amihan ang pumasok sa kukote ko at napapayag akong maging kami "virtually". Masyado na siguro akong nahulog sa kanya. Nadale ako ng kamandag. Tuwing tatawag siya sa akin, o ako sa kanya, para akong nasa alapaap kapag naririnig ko ang boses niya. Kapag nagsasabi siya ng "I love you" sa akin, nauuntog ako sa talampakan ni San Pedro (buti na lang hindi niya ako tinadyakan).

Sa mga panahong iyon, si Chris lang ang tinitibok ng cellphone, isip at puso, at puson ko. Parang pinagsamasama na ang mga nakaliliyong emosyon at damdamin. Nakalimutan kong tumingin sa ibaba kaya't hindi ko namalayang pinasok ko na ang lugar na hindi ko teritoryo. Unti-unti kong naramdaman na isa akong tress passer. Nagsimula akong maghanap ng bagay mula kay Chris na dapat ay ang bf niya lamang ang may karapatang maghanap. Naging makulit ako sa pagpipilit na "dapat ako rin".

Wala pang isang linggo nang aming virtual and forbidden affair, bigla na lamang umulan ng snow sa Pilipinas. Tila namatay ang lahat ng communication lines ko kay Chris... lahat nag-yelo. Hindi ako mapakali sa sobrang ginaw. Nasaan na si Chris? Nasaan na si bheb?

Isang sabado ng gabi, habang nasa birthday party ng isa kong kaibigan, dumating ang isang text message mula sa taong matagal ko nang hinihintay na magpadala nito – si Chris. Nangamusta. Sabi ko "ayos lang" kahit ang totoo'y hindi naman talaga. Nag-aaway daw sila ng bf niya. Wala na siyang load para ikuwento pa. Ako naman 'tong urat, pinaloadan ko siya ng Php 50.00. Ending, tinawagan ko din siya dahil hindi niya nirereply-an ang mga text ko sa kaniya. Muli kong narinig ang boses ni Chris. Umiiyak siya. Gaya ng sinabi niya sa una niyang text, nag-aaway sila ng kanyang bf – dahil sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil maaaring mag-hiwalay sila at maging kami ni Chris. Parang ganun... pero mas naramdaman ko na nahihirapan si Chris o' feelingera lang ako na I am really something for him dahil sinabi niyang nahihirapan siyang pumili. Ni isa man daw sa amin ng current bf niya ay ayaw niyang mawala. Pero siya ang nawala sa linya dahil nawalan na ako ng load.

Matapos ang ilang oras, tumawag ulit ako gamit ang inutang na load sa kaibigan kong babae. Sinagot ni Chris ang tawag ko, hindi na siya umiiyak. Ingay ng motor ng tricycle ang narinig ko... pauwi na raw siya. Kinumpirma niyang nagkaroon sila ng seryosong away ng bf niya.

Dahil sa mga tanong na hindi masagot at mga sandaling hindi malagyan ng tanong... naubos ang load ko sa dami ng patlang na tanging malalalim na paghinga lang ang pumuno. Check-op na ako pero kailangan ko pang kausapin si Chris. Muling nakatanggap ng text message ang phone ko. Sa pagkakataong ito, hindi si Chris ang nagtext kundi ang kanyang bf.

"Akala ko mapagkakatiwalaan kita... ang sama mo. Ang taas pa naman ng pagtingin ko sa iyo dahil mataas ang pinag-aralan mo. 'Yun pala, mang-aagaw ka rin pala!" buod ng mga mensahe ng isang Kerokeropping pinagtaksilan.

Hindi ko naramdaman ang pagka-guilty. Sinagot ko ang mga text niya at sinabi kong ".... pasensiyahan, mahal ko si Chris at handa akong ipaglaban siya..."

Marami pang masasakit na salita ang ibinato sa akin ng bf ni Chris. Pero ako, nanindigan sa nararamdaman ko. At pakiramdam ko ng mga oras na iyon, handa akong makipagpatayan para sa taong mahal ko. Damdamin na naging dahilan kung bakit nagawa kong maglakad ng halos dalawang kilometro mula sa amin hanggang kabayanan sa gitna ng malamig na alas dos ng madaling araw para lamang maghanap ng mapagpapa-load-an.

Para akong tanga. Oh, hindi pala parang, tanga talaga noong mga oras na iyon. Umiiyak pa ako habang naglalakad dahil kahit napasahan ko na ng load si Chris... hindi na siya nagrereply ni sumasagot sa mga tawag ko. Oh, 'di ba... kulang na lang umulan with matching background music from Aegis. Ito na marahil ang pinakasukdulan ng engot-engotan mode ko sa bahaging ito ng aking buhay. Ni hindi ko nagawang kontrolin ang emosyon ko. Masahol pa... hindi ko nakuhang tingan ang sitwasyon sa parang dapat ko itong nakita.

Naisip ko tama ang bf ni Chris. Ako ang third party. Sinisira ko ang relasyon nila ni Chris. Pero sa puntong ito, gusto kong marinig ang kanta ni Kitchi Nadal na "'Same Ground". Bakit, ako lang ba ang may kasalanan? Ako lang ba ang lumandi? Hindi naman yata makatarungan na maramdaman ko sa sarili ko kung gaano ako naging isang "demonyo" sa relasyon nilang ng bf niya. Sabi nga ni Bob Ong, ".... walang lalandi sa iyo kung hindi ka rin lalandi..." Nagalit ako kay Chris dahil pakiramdam ko niloko niya ako. Pero sabi nga ni Ted Failon sa Hoy Gising, "walang manloloko, kung walang magpapaloko." So does it mean ako pa rin ang mali? (aray... naramdaman ko na yata ang tadyak ni St. Peter!).

Nalaman ni cf (if you could remember, cf stands for "common friend") ang nangyari and he felt guilty dahil siya raw ang naging paraan para magkakilala kami ni Chris. Sabi ko naman sa kanya... ayos lang, alam ko namang ganun ang mangyayari eh. Nadala lang siguro ako ng bugso ng damdamin o sadyang matigas lang talaga ang ulo ko't ipinilit ko pa rin ang isang bagay na hindi uubra. Kahit ganun ang mga nangyari, umasa pa rin ako na magiging totoong kami ni Chris (proof na matigas talaga ulot ko... in all context).

Si Chris ang dahilan kung bakit ko binili ang kauna-unahan kong sim card na Sun (dahil nabalitaan ko na naka-Sun na siya). Halos mag-iisang buwan na ang lumipas pero nanatili parin ako sa anino ng namigatan sa aming dalawa. Kumbaga di ako naka-move on. It took me one year bago ko nasabing fully recovered na ako sa nangyari o sadya nga bang wala na si Chris sa isa sa mga bagahe ko?

Hindi pa yata sapat ang isang taon. Sa tuwing mag-che-check ako ng friendster, profile niya ang tinitingnan ko. Doon lang ako nakakakuha ng updates tungkol sa kanya. Nalaman ko, eventually, naghiwalay din sila ng bf niya... nagkaroon ng bagong bf, naghiwalay ulit... nagkaroon ulit, nagkipag-hiwalay... ganun. Pati kung mayroon siyang bagong contact number. Para akong cyber stalker (pero the feeling is less intense na... promise!).

Matapos ang mahigit dalawang taon, nagkaroon ulit ako ng komunikasyon sa kanya through text. Alam ko single siya ngayon. Minsan naisip ko, "maging kami pa kaya?". Hay, naku! Hindi na lang. Si Chris ay nagmistulang alimuom na nagbigay sa akin ng sakit ng tiyan. Isang alimuom na dulot ng hindi inaasang pagbagsak ng ulan sa gitna ng nagngangalit na init ng panahon. Pero gaya ng alimuom, magdulot man ito ng kabag, ang pagdating ni Chris ay paraan ng buhay para ipaalala sa akin na hindi lahat ng bagay na maganda, kapag kinuha mo, makapagpapasaya. Katulad na lamang nang hindi ka dapat maligo sa unang buhos ng ulan sa panahong kainitan dahil bukod sa alimuom, may acid rain itong dala.

After Chris, nagkaroon pa ako ng dalawang bf, pero hindi naman nagtaggal ang mga relasyon na iyon dahil nag-palit ako ng priorities sa buhay. Si "common friend", wala na akong balita sa kanya... alam ko lang isa na siyang manequin sa sobrang puti ng mukha (salamat sa Chin Chan Su).

Sa kasalukuyan, masaya ako sa buhay single. Busy sa community service at siyempre sa theater at pagsusulat. Sa mga gustong palitan ang status ko from single, bukas ang aking tanggapan. Hehehe... kailangang lumandi pa rin paminsan-minsan.

Kay Chris... salamat sa lahat and don't you worry, no hard feelings at all (hard swellings lang... ano yun pigsa?). Hangad ko na maging masaya ka sa lahat ng panahon at pagkakataon. And always strive to be a better person. Good luck.

To all KK readers na nag-attempt magbasa ng istorya ko... congrats! Hehehe! Hope na-entertain kayo sa pagbabasa at nakapulot ng konting aral mula sa aking mga shortcomings. Next time, mas maikli na mga posts ko... yung puro chupaan lang hanggang mamaga ang mga gums. 'Til next time po! Kaway!

END

www.kwentongkalibugan.net

4 comments:

  1. Nice story good job author... More stories to post.... Keep it up...

    ReplyDelete
  2. Nice story good job author... More stories to post.... Keep it up...

    ReplyDelete